Ang Komiks, Ang Gitara at Ang Mahiwagang Anino

Yuco's picture
| |


nasa elementarya nang sinubukang lumikha ng komiks,  

komiks na nag wakas pagtungtong ko ng grade 6.  

gamit ang bulpen at ginupit na bond-paper,

nagawang bumuhay at pumatay ng iba't ibang karakter.

 

pagdating ko ng college, musika naman ang ineksperimento.

pinaghalo ang ingay at lamig ng kanta sa mabilis na ritmo.

(doon ko unang nakita kung paano sumayaw ang mga anino)

nakakalungkot ngalang, dahil tulad sa kapalaran ng komiks,

nilumot din ang gitara nang sinimulan ko na ang thesis

 

tulad ng dati, umikot ang oras... nang napakabilis... 

grumadweyt, tumambay, nakapagtrabaho.  

paisa-isa namang nagsitago ang mga anino,

marahil di nakayanan ang nakakasilaw na mundo.

 

pinalipas ang maraming buwan at taon; 

hinintay ko ang kanilang pagbabalik. 

naupos ang ilang daang stick ng sigarilyo 

bago magsilabasan ang mga anino 

na nagsigising sa pagkakatago. 

 

nobyembre nang muli silang nagsibalik, 

pilit pinapakintab ang kinakalawang na isip. 

 

YUCO

ito yung produkto ng puyat... magpapakilala lang, kung ano-ano na ang naiisip... 

salamat sa lahat ng babasa!

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/


Adlesirc's picture

aw

wow, may pagka artist ka pala talaga simula nung bata ka pa.

 

 

welcome sa site. wag papadaig sa mga spammers... hehehe. by the way, programmer ka ba? obvious naman pala. bat ko pa tinanong.

Yuco's picture

salamat

maraming  salamat  Adlesirc  sa pagbasa.

medyo late na ako nagumpisa gumawa ng tula, daming idea ang nasa isip ko kaso wala lang time para mailatag ito. kailangang magtrabaho.

tama, software developer work ko. parang gumagawa din ng tula ang pag program sa computer... kailngan maiksi yung code pero malaman. yun nalang iniisip ko para mag-enjoy heheeh

 

d-younker's picture

naks. artist na artist nga.

naks.

artist na artist nga. =)

Yuco's picture

salamat jean sa pagbasa,

salamat jean sa pagbasa, parang sulit yung pagpupuyat ko kagabi. 

d-younker's picture

hehe. alang anuman po. keep

hehe.

alang anuman po.

keep writing ! ^^

Alexander Dagrit's picture

<

Ang mga anino—sino sila o ano ang mga ito?

Ang mga ito ba ang mga malikhaing dagta (creative juices) na nag-uudyok sa persona ng tula upang maging isa siyang alagad ng sining o manunulat, mangguguhit, at mangangatha ng awit?

Nawala ang mga aninong iyon, dahil hindi nakayanan ang nakasisilaw na mundo: Mas maraming ibang mapagkakaabalahan, mas maraming tukso, at mas maraming aliwan; kayá't isinantabi muna ng persona ang sining.

Ganoon ba iyon?

Ano naman ang kinalaman ng buwan ng Nobyembre?

Iyan ang kulang ng tula. Walang anumang detalye o kahit pahapyaw na pahiwatig kung bakit sa buwan ng Nobyembre muling lumitaw ang mga anino.

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Ang Mga Tinig sa Tradisyonal, Moderno, at Postmodernong Panulaang Pilipino

Yuco's picture

 Salamat sa pagbasa at

 Salamat sa pagbasa at komento.

 

Pasensya na... para sa akin may mga simobolismo na gumaganda kung pinapanatiling nakatago

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/

Alexander Dagrit's picture

<

Tama, ang mga simbolismo ay dapat nakatago (simbolismo nga e), at bahala na ang mga mambabasa na magbigay ng mga kahulugan sa mga iyon.

Pero, dapat ay may matibay na sandigan kung bakit ganoon ang mga simbolismong iyon. Hindi parang lipstik na basta lamang isinabit sa nguso ng babae at hindi talaga ipinahid sa mga labi.

Dahil walang anumang pahiwatig kung bakit Nobyembre, baka ganito lang naman ang isipin ng mga mambabasa:

"Nobyembre ... ano ba ang buwan na ito? Ah ... sa buwan na ito ang araw ng mga FATAI. ... Tatangkupu! Baka, mga multo ang mga anino."

Halimbawa lang naman iyan, at hindi iyon na nga.

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Ang Mga Tinig ng Tradisyonal, Moderno, at Postmodernong Panulaang Pilipino

daily_sam's picture

Cool...

Hi! I like this piece. Mas kumpleto sana kung ise-share mo sa amin ang relevance ng month ng November sa chapter ng buhay mo at nagsibalik mula ang mga anino ng sining na may katagalan ding na suppress. Mabasa sana namin yan soon :-) 

"Sometimes, I think the things I remember are more real than the things I see..."

Yuco's picture

 Salamat :)   yung

 Salamat :)

 

yung nobyembre ay maaring impluwensya lang sa mga napapakingang kanta.

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/