Ang Kastilyo ng Pagpapaalam

|

Noong unang panahon, may isang nilalang

Siya ay hinugot, nagmula sa kawalan

Isinilang sa mundo nang walang ibang alam

Kundi ang dumating at ang magpaalam

 

Paalam, paalam, sa lahat ng maiiwan

Wala syang ginawa kundi ang magpaalam

Paalam sa galak, paalam sa pangamba

Paalam sa lungkot, paalam sa saya

 

Hindi nabawasan ang kanyang paglisan

Patuloy ang kanyang walang-hanggang paalam

Paalam, paalam, kung nasaan ka man

Pinasaya mo ako, kaibigan, paalam

 

Ang kanyang kaharian ay gawa sa paalam

Tinawag nya itong Kastilyo ng Pagpapaalam

Ito ay gawa sa mga ala-ala

Haligi at pader ng mga pangarap niya

 

Paalam sa oras, kahapong nakalipas

Paalam sa lugar, pagkakaibigang walang kupas

Sa pagpapaalam nga ba nagtatapos ang saya?

O sa pagpapaalam din nabubuo ang ligaya?


magsinoalvin's picture

tagal na rin walang bagong

tagal na rin walang bagong posts.

 gusto kong isiping walang time, pero siguro wala na talagang maisip na bago o tinatamad na.

  

 dahil wala ko magagawa. magko-comment na lang ako.

 

title pa lang panalo na..

sinundan pa ng unang linyang Noon unang panahon

at meron pang 

Patuloy ang kanyang walang-hanggang paalam

 

nagustuhan ko ng linya ito

 

 Hindi nabawasan ang kanyang paglisan

 

salamat sa pag share mdligaya...

 

Thanks

Salamat pre