Ang Iced Tea ng Spaghetti ni Starblaze

Espilehiyo's picture
|
parang mga butil 
ng tubig
sa basong nanlalamig
ang pawis
sa aking leeg
 
parang natutunaw
na yelo
na nilalaro
ng iyong bibig
ang aking isipan
 
kakulay ng lupa
kung saan ibabaon
ang nakaraan
ang pamawi
ng iyong uhaw
  
 
at parang krus 
na itatarak
ang straw
 
at parang lapida
na ilalapat
ang panyo
 
bago mo higupin
ubusin
ang buo kong pagkatao
espilehiyo

naisulat matapos mabasa ang tula ni Starblaze na Spaghetti :) hehe


Starblaze's picture

Nice bro, haaha! thanks may

Nice bro, haaha! thanks may sequel ito for sure hahaha!

ganda talgang para sa mga bigo ang tema ah hehehe!

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Starblaze's picture

maysagot na ko dito

maysagot na ko dito hehehe

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Espilehiyo's picture

hahaha. ayuss. Post it :)

hahaha. ayuss. Post it :)

Starblaze's picture

hi bro missin ur

hi bro missin ur posts..

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din"