Ang hirap, ang lungkot, ang gulo
Ang hirap, ang lungkot, ang gulo
Ang hirap, ang lungkot, ang gulo.. Yan ang mga katagang laging nasa isip ko.
‘di ko alam ang gagawin, kay sakit isipin. Kanino nga ba? Sa lalaking mahal ako,
O sa lalaking napapasaya ako?
Noong una naman masaya ako sa piling niya. Mga panahong lagi kaming magkasama,
nagtatawanan, naghahagikgikan at kaysarap ng aming mga kwentuhan.
Subalit ang mga panahong ito ay di’ nagtagal. Maraming beses kaming hindi nagkakaunawaan.
Ang mga masasayang araw ay di’ naglaon. Kami’y lumungkot, lumamig at minsa’y hindi na nag
papansinan, dahil sa mga bagay sa aming pagsasama na hindi niya nagugustuhan.
Di’ ko lubos maisip kung bakit siya biglang nag bago. Naging mainitin ang ulo, at mas lalong naging
mahigpit sa akin mismo!
Nang mga oras na iyon ng aking kalungkutan ay napansin ng isang lalaking sa harap ko’y dumaan.
Di’ ko alam kung anong mahika ba ang nagawa niya, Napatitig ako sa kanya ng ako’y kanyang lapitan.
Siya pala ang nakaraan kong pilit kong kinakalimutan. Nagbalik ang lahat ng hawakan niya ang aking
mga kamay at ng tignan niya ang mukha kong nananamlay.
Hindi ko alam kung siya ba’y kaloob ng maykapal? Para mapawi ang sakit na dinaramdam?
Simula noon ng aming pagkikita, nakalimutan ko na ang lahat. Ang mga luha ay napalitan ng ngiti,
Kaysarap hindi ba?
Napaka saya ko ng muli siyang dumating sa aking buhay. Nariyan pa rin ang kilig na siyang laging
nararamdaman.
Hay.. Sana ang lahat ng ito’y wala ng katapusan. Pero paano nga pala ang siya kong mahal?
Dapat ko na nga bang ipagpalit ang kaligayahang dati ko pa ninanais sa pagmamahal na ngayon
ko lamang nakamit? Ano nga ba ang sagot sa tanong ko?
Mahal ko siya ngunit Masaya ko sa iba..


