Amyendahan ang anti-rape law

Gilbert Perdez's picture
| | |

Patuloy pa ring humihiyaw ng hustisya ang pamilya ni ”Jasmin” na umano’y ginahasa ni Pantabangan Vice Mayor Romeo Borja Jr.

Ibinunyag ng Gabriela Women’s Party (GWP) na lahat ng paraan ay ginagawa na ni Borja mawarat lamang ang pagkatao ng biktima.

Ang hakbang na ito, ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, ay patunay lamang na dapat nang amyendahan ang batas.

Itinuro ni Jasmin si Borja na siya umanong lumapastangan ng kanyang pagkababae ng anim na beses simula noong June 2011 kung saan siya’y 17 taong gulang pa lamang noon.

Binantaan  daw siya ng suspek na papatayin siya at ang kanyang pamilya sa oras na tumanggi siyang makipagtalik dito.

Manganganak na ang biktima ngayong buwan na ito.

Upang mawasak ang pagkatao ng biktima, sinasabing nanguna pa si Borja sa isang rali na dito’y ipinagsigawan ng alkalde na ang ginawa niya kay Jasmin ay alam nito.

Kaya naman, itinulak na ng Gabriela Women’s Party ang House Bill 6170 na naglalayong maamyendahan ang Anti-Rape Law na isinabatas noong 1997.

“The amendments that GWP pushed included the redefinition of the term rape, the enumeration of circumstances where there is a presumption of lack of consent, the inclusion of cases where there is non-penile penetration, the repealing of Articles 266-C and 266-D and the specification of aggravating circumstances,” wika ni de Jesus