Alipin

joenard's picture
| |

Pinipilit ko na maging iyo
Sa bawat araw
Sa bawat oras
Nahihirapan ako
Nagdurusa
Ngunit para ito sayo
Pipilitin ko hanggat kaya ko maging iyo

Nagkukulong ako sa dilim
Lumuluha
Naghihintay
Kahit paghinga hirap ako
Lakas ko`y gumuguho
Nahihirapan
Ngunit ito ang gusto mo
Pipilitin ko hanggat kaya ng isip ko

Kinakalimutan ko maging masaya
Sa harap ng mga taong hindi mo kilala
Iiwas ako
Lilimutin ko
Masakit
Hindi ako ito
Magiisa
Mangangapa
Dahil ito ang gusto mo
Pipilitin ko hanggat kaya ng puso ko

Hindi ito kaduwagan
Pinipili ko ang landas na ito
Ito din ang gusto ko
Dahil para ito sayo
Kung hindi ko kayanin
Akoy patawarin mo
Baka hindi nga ako sapat
Baka kinukulang ako bilang tao
Pero pipilitin ko dahil ito ang gusto mo