Ako si Cocoy, a virgin boy (Part 1/2)

jonsdmur's picture
| | | |

Ako si Cocoy, a virgin boy

A SMALL, small boy in a BIG, Big world in a BIG, Big city in a BIG, Big town

"Ahhhhhhhhhhhhh! mag-twetwenty-one na ako pero hanggang ngayon VIRGIN pa rin ako... waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

 

 Paunawa:

Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit sa

kuwentong ito ay pawang KATOTOHAN at hinango sa tunay

na buhay. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay

na buhay ay talagang SINASADYA. harharharharTongue out

Paalala:

Ang mga eksenang hindi kapanipaniwala ay sinadya ng may akda at ang mga teknikal error ay kusang sinadya ng may akda. (para di-halata ang kanyang pagkakamali. harharharInnocent

Ito ay isang kwentong HINDI nakakatawa...katawa-tawa lang harharharLaughing

Parental Guidance is NOT recommended.......harharharharTongue out

Ako si Cocoy, a virgin boy!

A SMALL, small boy in a BIG, big world in a BIG, big city in a BIG, big town

"Waaaaaaaaaa! Mag-twetwenty-one na ako pero hanggang ngayon VIRGIN pa rin ako."

Noong unang panahon sa isang Isla ng Iloilo na tinatawag na Ika-pitong Isla sa bundok ng Virgin Island ay may isang sanggol na isinilang. Itatago natin siya sa pangalang Cocoy.

"Ahhhhhh! ah...ah....ah.....! Hin...di ko na..kaya," malakas na sigaw ng babaeng nanganganak.

"Pilitin mo, sige pa, sige pa...ah....sige pa....," malakas na sigaw ng paltera

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

At isang sanggol ang niluwa mula sa kanyang sinapupunan.

"Tatay na ako! Tatay na ako!" malakas na sigaw ng isang lalaking nasa labas ng bahay kubo.

Kasabay nang malakas na sigaw ang isang malakas na kulog at kidlat. Ang kidlat ay pumasok sa bintana ng bahay kubo at

"Ahhhh!" Tinamaan sa puso ang babaeng nanganak.

"Ka-Ruben ang asawa moooooooo!" sigaw ng paltera.

Agad na pumasok sa loob ng kwarto ang lalake.

"Hindi!" Agad itong lumapit sa wala nang buhay na asawa.

"Unga! Unga! Unga!" malakas na iyak nang sangol. Napanganga ang paltera dahil ngayon lang niya napansin na ngayon lang umiyak ang sanggol.

"Malas ang sanggol na ‘yan," sabi ng lalaki sabay turo sa sanggol at akma itong kukunin.

"Hindi malas ang sanggol. Ikaw ang nagdala ng malas," matapang na sagot ng paltera at mahigpit na kinarga ang sanggol.

"Ilayo niyo sa akin ang batang ‘yannnnnnnnn!" galit na galit na sigaw ng lalaki at ang mga mata nito ay masakit na nakatutok sa sanggol.

"Kasalanan mo ito Ruben...walang kasalanan ang sanggol." Mabilis na lumabas ang paltera mula sa kwarto ngunit hinabol siya nito.

"Akin na ang sanggol na iyan....malas iyan..."

"Hindi mo makukuha ang anak mo...." Mabilis na tumakbo ang paltera at agad itong hinabol ni Ruben.

"Habulin mo ako....." malakas na sigaw ng paltera.

"Hahabulin kita hayop kaaaaa."

Mabilis na tumakbo ang paltera at nagulat si Ruben sa bilis nang takbo nito...pero ‘di siya papatalo...

"Ahhhhhh! Humanda ka...." Mabilis na hinabol ni  Ruben ang paltera. Hanggang makarating sila sa bukid..sa ilog...sa bundok pero talagang mabilis ang paltera hindi niya ito kayang hulihin..

"Mahahabol din kita....."

Tumagal nang isang oras ang kanilang takbuhan at pareho silang hinihingal. Napahinto ang paltera nang mapansing labas na dila ng sanggol...

"Ang sanggol......ang sanggol hinihingal..." Agad itong huminto sa pagtakbo dahilan para maabutan siya ni Ruben.

"Huli ka! Pinagod mo ko halika dito." Hinawakan ni Ruben ang balikat ng paltera.

"Anak mo ang sanggol na ito maawa ka huwag mong patayin....." nakikiusap na sabi ng paltera.

"Ha? Anong papatayin? Wala akong sinasabi? Hinahabol kita kasi akala ko kukunin mo anak ko."

"Sabi mo malas ang sanggol"

"Kanina ‘yun hindi na ngayon...hindi malas ang sanggol! Hindi malas ang anak kooooo!"

Kasabay nang pagkakasabi niya ang isang malakas na kulog at kasabay nito ang isang malakas na kidlat.

"Ahhhh!" daing ni Ruben.

"Hindeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!" sigaw ng paltera habang sinalo ang sanggol mula sa pag-kakahawak ng ama.

"Diyos ko! Grabe na ang sumpang ito!"

"Unga! Unga! Unga!" iyak ng sanggol habang labas dila.

Bago nangyari ang eksenang ito, sa isang liblib na lugar ay nag-uusap si Ruben at isang babaeng may belo sa ulo. Ang mga mata nito ay nanlilisik na parang gustong kumawala sa pinaglalagyan nito.

"Pare-pareho kayong mga lalaki, pare-pareho kayong manloloko." Napanganga si Ruben sa narinig parang "familiar" sa kanya ang salitang binitiwan nito.

"Patawarin mo ko, mahal ko si Isa at nag-dadalang tao na siya," mahinang wika ni Ruben.

"Ahhhh! Humanda ka sa akin Ruben pagbabayaran mo lahat nang ito."

Natakot si Ruben sa pag-mumukha ng kaharap...nanlilisik ang mga mata nito. Totoo nga kaya ang usap-usapan na isa itong mangkukulam?

"Maawa ka! Huwag......huwag kang lalapit..." Paatras na lumakad si Ruben habang papalapit sa kanya ang dating kasintahan.

"Manloloko....sumama ako sayo dito at iniwan ko Nanay ko sa bahay para sayo pero anong ginawa mo? niloko mo ko...." Kumuha ito ng isang patalim mula sa kanyang bulsa, isang sungay ng kalabaw.

"Bumalik ka na lang sa Nanay mo sabihin mo nagbakasyon ka lang..." tarantang sambit ni Ruben habang umiiwas sa papalapit na dalaga.

"Anong gustong mong sabihin ko sa Nanay ‘pag tinanong niya ako, Anak ano ginawa mo sa Isla? Nagpapicture? Hayop ka Ruben.... Hayop ka....."

Palapit na palapit na ang dating kasintahan sa kinatatayuan ni Ruben.

"Lumayo ka mangkukulam!" malakas na sigaw ni Ruben

"Hindi ako mangkukulam, humanda ka kukulamin kita.....?"

Mabilis na tumakbo si Ruben at hinabol siya ng kasintahang niloko niya pero hindi ito nagtagumpay na mahabol siya dahilan sa bigla itong nadulas sa putikan.

"Ahhhhh! Pagbabayaran mo ito Ruben, pagbabayaran ng Anak mo ito... kung gaano kalaki ‘yan ganun kaliit sa magiging ano ng anak mo....."

Hindi na narinig ni Ruben ang iba pang sinabi ng kasintahan... patuloy ito sa pagtakbo at patuloy naman ang kasintahan sa sumpang binibitiwan... sumpang magpapahirap sa ating bida....

Mula sa di-kalayuan ay may palterang nakamasid at siya lang ang nakarinig ng buong sumpang binitiwan nito... lahat ay narinig...

"Hindi ako binge... hindi ako binge...narinig ko lahat," bulong ng paltera habang nanginginig sa sobrang takot.

Makalipas ang dalawam pung taon

"Bakit kaya ganito?" Napatingin si Cocoy sa kanyang patotoy habang dyumidyingle.

"Hehehehe alam mo patotoy natutuwa ako sayo kasi cute ka," pangiti-ngiting bulong ni Cocoy habang hinahawakan si patotoy. Sa sobrang cute nito ay wala ng katawan na nahahawakan habang dyumidyingle. Ulo na ang kanyang nahahawakan....

"Waaaaa! Kailan kaya tatangkad si patotoy?" Isinara na niya ang zipper ng kanyang pantalon.

Masama na naman ang kanyang loob dahil naalala na naman niya ang sinapit ng kanyang patotoy. Ang totoo ay matagal na niyang itinatanong sa kanyang sarili ang tunay na dahilan kung bakit cute si patotoy.

Naisipan ng ating bida ang umuwi na lang at baka naghihintay na ang kanyang may sakit na Ina.

"Nanay ‘dito na po ako. Heto na po ang lugaw na pinabili ninyo...." Agad itong pumasok sa kuwarto ng Ina at sa pagbukas ng pintuan.

"Inay...inay.....hindi!" sabay lapit sa nakahigang Ina.

"Nay? Hindi! mas malamig pa kayo sa lugaw, Nay, bakit pooo?" malakas na sigaw ni Cocoy.

"Uhm, loko ka tulog lang ako...." Sabay hampas sa kanyang balikat ng naalimpungatang Ina.

"Aray, Nay naman kung matulog kayo parang ‘di na kayo humihinga, mukha pa kayong bangkay sa pulbos ninyo." Pabirong sabi ni Cocoy.

"Nay, kumusta na po ang lagnat ninyo?"

Kinapa ni Cocoy ang leeg ng matandang Ina at napangiti siya nang malamang bumaba na ang lagnat ng palterang Ina.

"Cocoy, anak matanda na ako kung mamatay man ako basahin mo lang ang itim na libro."

"Nay, matagal pa kayong mamatay. Sabi nila kapag mangkukulam matagal mamatay."

"Loko ka talagng bata ka." Sabay batok ng Ina sa ating bida.

"Oo na alam ko naman na isa kayong magaling na paltera sa buong isla." Malambing na sabi ni Cocoy sa matandang Ina.

Napansin ni Cocoy na biglang natahimik ang Ina at sapol ang dibdib nito.

"Nanay naman best actress talaga kayo ano na namang drama ‘yan." Pangisi-ngising sabi ni Cocoy sa inaatakeng Nanay.

"A.....ga....ga...mot......ahhhh....." nangingisay na ang matanda sa kanyang atake sa puso.

"Nay naman, ok na naman ang akting ninyo, sige kunwari ako rin, ahhhhhh....uhhhhhh ga....gaa.....mot..." pangisay-ngisay pa si Cocoy habang nagsasalita.

Natauhan si Cocoy nang makitang natumba na ang matandang Ina sa sahig.

"Nay, Nanay......hindeeeeeeeeeee!" sigaw ni Cocoy at kinalong ang Ina.

"Nay, best actress talaga kayo......Nay....gising na po......Nayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!"

Namatay ang Nanay ni Cocoy.

"Hindi kita makakalimutan

Kaylan man ‘di pababayaan

Ang sanggol sa sinapupunan..."

Nasa mga mata pa rin ni Cocoy ang mga natuyong muta habang naalala ang pagkamatay ng Ina. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapaiyak sa sementeryo habang nililibing ang kanyang Ina at pinapatugtog ang isang awiting nasa itaas....

"Nanay kooooooo!" malakas nitong sabi habang humahagulgol at ‘di pansin ang sipon na kanina pa tumutulo.

Sa kanilang bahay pagkatapos ng libing.

"Nanay koooooooo! Huhuhuhuhuhu........." iyak ni Cocoy habang nakaupo sa kama ng Ina at hawak ang itim na aklat.

Binasa ng ating bida ang itim na aklat.

"Noong nag-aaral pa lamang sa Elementarya ang aking anak na si Cocoy ay gusto ko nang ipaalam sa kanya ang katotohanang hindi ko siya tunay na anak."

"Ha........hindi......." Lumaki ang mga mata ni Cocoy sa kanyang natuklasan. Gusto niyang hukayin ang labi ng Ina para ito ay kausapin pero naisip niya

"Takot ako sa MOMO!"

Nahiga  ang ating bida sa kanyang kama at hindi na ipinagpatuloy ang pagbabasa sa itim na aklat. Naisipan niyang matulog na lang.

Kinabukasan

Maagang nagising si Cocoy at nagulat siya nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Kuya Ramon kayo po pala?" bati ni Cocoy sa kapit-bahay nila.

"Binibisita lang kita. Ang totoo ibinilin ka sa akin ng iyong Ina."

"Alam niyo po ba hindi ako ang tunay na anak?"

Nagkibit-balikat ang matabang lalaki na kamukha ni Ryan Yllana. Matagal na nilang kapit-bahay ang matabang lalaking ito ngunit minsan lang niya nakakausap.

 "Ang totoo Cocoy, anak ka nina Ruben at Isa.....Naikwento kasi sa akin ng iyong Ina nang minsang kami ay uminom ng tuba.

Ngayon alam na ng ating bida na hindi nag-sisinungaling ang itim na libro.

"Kuya diyan muna kayo maliligo muna ako."

Tumango ang matabang lalaki na sa tingin niya ay nasa trenta anyos na ito nang sabihin niyang maliligo muna siya at ito ay naupo sa kanilang sopa.

Pumasok si Cocoy sa loob ng banyo at unti-unting hinuhubad ang saplot sa katawan. Una ang t-shirt at lumantad ang kanyang magandang pangangatawan. Pangalawa hinubad niya ang kanyang shorts (Naka-ugalian na niya ang hindi mag brief.) at lumantad sa kanya si patotoy na halos ‘di na makita at mukhang nagtatago.

"Uy! Patotoy maliligo ka na... heheheeheh" natigilan si Cocoy nang biglang kumatok ang matabang lalaki.

"Cocoy, heto may imported akong sabon."

"Wow! Imported sa wakas.." bulong na sabi ni Cocoy at agad na nagtapis ng tuwalya at sa kanyang pagbukas ng pintuan nabigla siya nang makitang hubot-hubad ang matabang lalaki at pinilit na makapasok at dahil sa laki nito nagtagumpay itong makapasok sa loob ng banyo.

"Ku.....ya, Kuya Ramon maawa ka.... wagggggggggggggggggggggggggg!" malakas na sigaw ng ating bida. Labis siyang nagulat na ito pala ay isang DARNA.

Mahigpit ang pagkakahawak ng ating bida sa tuwalyang nakatakip sa kanyang patotoy.

"Hindi pwede..." sa isip ng ating bida na baka matuklasan ni taba ang kanyang lihim.

"Matagal na kitang gusto Cocoy... gusto ko ang alaga mo... "

Naku... hahawakan ni tabang bakla ang kayang patotoy hindi papayag ang ating bida na mabuking ang kanyang little patotoy.

"Huwag....!" sabay iwas ni Cocoy sa mga kamay ng matabang lalaki. Gusto niyang lumaban kaso nag-aalala siya na baka matanggal ang tuwalyang nakatapis sa kanyang baywang. Mahigpit niya itong hinahawakan.

"Ahhhh... gusto kita Cocoy.....hmmmmmp."

Yak! niyakap ni taba si Cocoy at hinalikan sa pisngi. Sa gulat ng ating bida itinulak niya si taba ngunit malakas ito. Hinawakan niya ang mukha nito at pilit inilalayo sa mukha niya. Sa ganoong pangyayari nagkaroon nang pagkakataon si taba na hablutin ang tuwalyang nakatapis sa kanyang baywang at lumantad ang nagtatagong si patotoy.

"Ayyyyyyyyy! ano yan? dyutay..... dyutay ka? waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa"  mabilis na lumabas si taba at tapis ang tuwalya niya at nagsisigaw ito palabas ng bahay.....

Ang ating bida ay natulala sa loob ng banyo.

"O patotoy may nakakaalam na ng sikreto mo... O, hindeeeeeeeee."

Mabilis na kumalat ang tsismis.

"A SMALL, small boy in a BIG, big world in a BIG, big city in a BIG, big town"

Pakiramdam ng ating bida ay isang siyang maliit na nilalang nakatira sa isang napakalaking mundo....

"Si Cocoy....si Cocoy....Cocoy dyutay....."

 Mga bulong bulongan na kanyang naririnig. Ang mga tao ay lihim na natatawa sa kanilang natuklasan. Si tabang Ramon ay isang Darna at si Cocoy ay may little patotoy.

"Waaaaaaaaa! ayoko na..." sigaw ng ating bida.

Paano na ang mga babaeng hahabol habol sa kanya na pilit niyang iniiwasan sa dahilang baka mabuking si patotoy? Katawa-tawa ang kanyang sinapit......

Isang gabi malungkot na pinagmasdan ni Cocoy ang kanilang munting bahay kubo at sa kanyang kanang kamay ay hawak ang isang malaking bayong na sisidlan ng kanyang mga damit.

"Paalam Nanay.....paalam sa alaala mo....paalam sa bahay kubo....paalam people of the Philippines....."

Nag-emote ang ating bida at tuluyan nang naglakad palayo sa kanilang bahay kubo. Pinili niyang lumuwas ng bayan at doon ituloy ang buhay.

Napahinto sa paglalakad si Cocoy at muling nilingon ang bahay kubo.

"Kailangan ko nang umalis dahil hindi ko na kaya ang kahihiyan."

at si Cocoy ay tuluyan nang naglakad nang naglakad hanggang sa

"Saan ba ako pupunta?"

Naalala niya na hanggang elementarya lang ang kanyang natapos.

"Hindi bale maghahanap na lang ako ng ibang trabaho na pwede sa akin."

Nakarating ang ating bida sa dagat at nakakita siya ng isang bangka.

"Kuya pwede mahiram ang bangka?" tanong ni Cocoy sa matandang lalaking nakatayo malapit sa bangka.

"Ah...eh... saan ka ba pupunta iho?"

"Sa Manila po."

"Aba! sa Manila? naku, iho huwag ka nang mag-aksaya ng panahon sumakay ka na at mahaba pa ang biyahe."

  

Sa tuwa ni Cocoy agad siyang sumakay sa bangkay at natatawa sa sarili dahil pinayagan siya ng matanda na dalhin ang bagkang ‘di na niya maibabalik.

"Marami pong salamat! Yeheyyyyyyyy! Manila her I am!"

Sa kanyang paglalakbay sakay ng bangka.

"Wow! Dugong kaw ba ‘yan?"

"Loka, si dyesabel ako.....ingat sa paglalakbay Cocoy hihihihihi."

at si Cocoy ay nag-lakbay mula Iloilo hanggang Manila sakay ng bangka at sa kalagitnaan ng dagat.

"Wow! Ang laking barko.....ooops! parang...... hindeeeee!" sigaw ng ating bida nang mapansing mababangga siya ng barko.

Blag!

Kinabukasan isang balita ang gumimbal sa lahat... Buong Pilipinas nagulat.

"Magandang umaga po sa inyo mga ‘Igan ako si Mike Enriquez at nag-uulat.

Kahapon ay may lumubog na barko at isang bangka ang nagligtas sa libo-libong pasahero.

At ang sakay ng bangka ay walang iba kundi si Cocoy...."

Papuri...palakpakan...labas na gilagid ng ating bida sa mga papuring tinanggap niya.. sa isang iglap naging bayani ang ating bida. Isang iglap lang......

"Cocoy salamat sa pag-liligtas mo sa amin." Sabi ng isang matandang babae na uugod-ugod na.

"Wala po ‘yun lola."

"Anong wala? Dahil sayo niligtas mo ang baby sa sinapupunan ko."

Wow! Buntis ang lola at hindi makapaniwala ang ating bida. Nagulat si Cocoy nang may iniabot sa kanya ang matanda.

"Kung kailangan mo ang tulong ko puntahan mo lang ako."

Natuwa si Cocoy nang abutin niya ang isang papel na nakasulat kung saan nakatira ang matanda.

"Salamat po lola." Pasasalamat ng ating bida sa matanda nang biglang....

"Aray...aray ko..." daing ng matanda habang sapol ang tiyan.

"Lola manganganak na ba kayo?... eh liit ng tiyan ninyo...."

"Wala... praktis lang apo ko hiihihhihihi"

"Mag-ingat po kayo baka...." Pag-alala ni Cocoy sa matanda

"Huwag kang mag-alala isa akong albularyo, hihihihihihihi!"

"Ha? Magkukulam kayo?"

"Ummmmm! Albularyo ako." Sabay batok kay Cocoy.

"Eh, mangkukulam nga kayo?"

"Albularyo ako!" lumalaki na ang mata ng matanda sa sobrang inis.

"Magkukulam kayo..." pamimilit ni Cocoy habang hinawakan sa balikat ang matanda.

"Teka, alam mo ba na ang albularyo ang nanggagamot ng kulam." Umirap ang matanda at pumalag sa pagkakahawak ni Cocoy.

"Ows! Talaga lang ha....uy, si lola magkukulam heheheeheh."

Sa inis ng matanda lumapit ito kay Cocoy at nagpamaywang at buong lakas na nagsalita.

"Hindi ako magkukulam! Ang magkukulam ay masama. Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?" umuusok na ang tenga ng matandang mangkukulam este albularyo pala.

"Sige na sige na tama kayo iba ang magkukulam sa albularyo. Aalis na po ako."

"Oooops, teka wala ka bang sasabihin man lang?" tanong ng matanda.

"Anong ibig ninyong sabihin?"

Umirap ang matanda at

"I mean, c'mon! Shouldn't you be thankful you learned something? Hihihihihihihihi!"

Tumalikod na ang matandang albularyo at hawak pa rin niya ang isang papel na binigay nito at ito ay kanyang nilagay sa bayong.

Ilang saglit lang naalala ni Cocoy na kailangan na niyang maghanap nang matutuluyan. Walang ginawa ang ating bida kundi ang mag-lakad nang mag-lakad.

"Pag ako'y mag-asawa pipiliin ko

Anak ng bumbero...

Bomba dito...bomba doon..."

Pakanta-kanta si Cocoy habang nag-lalakad at sa kanyang paglalakad nakakita siya nang

WANTED BOY!

"Wow! This is it!" kilig na sabi ni Cocoy at agad na lumapit sa gate at kinatok ito.

TOK! TOK! TOK!

Sa pagbukas ng gate tumambad sa kanya ang isang matabang babae na kamukha ni Ruby Rodrigues.

"Anong......anong maipaglilingkod ko sayo pogi? Ang mga mata nito ay matamis na nakatitig sa mukha ni Cocoy.

"Pwede po bang pumasok bilang boy ninyo? Ako po pala si Cocoy."

"Cocoy? Hmmmm, parang narinig ko na ang pangalan na iyan?" sabay kindat kay Cocoy.

"Ako po ‘yung sikat na nabalita sa buong pilipinas sa pagkaka..."

"Ahhhh, tama ikaw nga, sige, sige pasok ka,Hmmmm ang pogi mo." Malambing na sabi nito at humawak sa kanyang braso habang papasok sila sa malaking bahay.

"Inday, ang kape ko."

"Ay, naku, naku, sandali lang po." Nataranta na si Inday sa utos ng amo.

Naiwan si Cocoy sa salas at tumambad sa kanya ang isang matandang babae na mukhang matrona.

"Ikaw? Sino ka?" mataray nitong sabi habang taas babang nakatingin kay Cocoy. Tumigil ang titig nito sa harapan ng ating bida.

"Ah, eh." Sabay takip ng bayong sa kanyang harapan.

"Ako po si Cocoy, para maging boy ninyo dito." Mahinang sabi ni Cocoy na naiilang sa pagkakatitig sa kanyang ibaba na parang gustong maaninag si patotoy.

Ngumiti ang mukhang matrona at lumapit kay Cocoy.

"Sige, tanggap ka na."

Lumipas ang mga araw ay naging Masaya si Cocoy bilang isang house boy.

"Baka gusto mong mag laro ng basket ball?" malambing na sabi ni Inday habang inaabot kay Cocoy ang bola."

"Sige, mamaya ko na tatapusin ang pagwawalis." Agad na kinuha ni Cocoy ang bola at sinimulang i-dribol at si Cocoy ay masayang nag-laro ng basket ball.

"Cocoy, Cocoy." Malakas na sigaw ng matandang amo.

Huminto saglit si Cocoy sa pag-dridribol ng bola.

"Bakit po?" at muling nagpatuloy sa pag-dridribol ng bola.

"Diligan mo na ang bulaklak sa hardin."

Huminto si Cocoy sa pag-dridribol at

"Ma'am pwede after this game!"

"Cocoyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!" malakas na sigaw ng matandang amo sa sobrang inis.

Sa hardin habang masayang nagdidilig si Cocoy.

"Cocoy,Cocoyyyyy." Malambing na sabi ni Inday habang papalapit sa kanya. Hawak nito ang isang hose at basang basa ang buong katawan.

"Diligan mo ko, heto tingnan mo basa na ako." Napapikit si Cocoy nang mapansing bakat na bakat na ang panloob ni Inday sa manipis nitong bestida.

"Cocoyyyyyy, nandyan na ako." Mabilis na lumapit si Inday at biglang niyakap si Cocoy.

"Waaaaaaaaaaaaaaaa." Sigaw ng ating bida habang umiiwas sa matabang katulong.

"Cocoy, love you! Mwah!" sabi nito habang naka nguso.

Naisip ng ating bida na delikado siya kaya minabuti na lang niyang umiwas na lang.

TAKBO COCOY TAKBO!

Walang nagawa si Inday sa tumakbong si Cocoy.

"Mamaya humanda ka sa amin." Mangisi-ngisi nitong sabi habang iniisip ang binabalak.

Kinagabihan habang mahimbing na natutulog si Cocoy ay dahan dahang pumasok si Inday at ang mukhang matronang amo nito. Nakita nila si Cocoy na mahimbing na natutulog.

"Sige ikaw na mauna hihiihhihihihihihi!" masayang bulong ni Inday sa mukhang matronang amo. Dahan dahan silang lumapit sa kinahihigaan ni Cocoy. Lalo itong natuwa nang Makita ang short ni Cocoy na naka kalat sa sahig. Hubad ang binata at kumot lang ang nakatakip sa katawan.

"Heto na heto na....." unti-unti nang hinahablot ng mukhang matronang amo ang kumot  ni Cocoy at dahil sa biglang nagising ang ating bida.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaa anong ginagawa ninyo dito." Laking gulat ni Cocoy at bigla itong tumayo mula sa pagkakahiga tapis ang malapad na kumot.

"Cocoy, halika..." malambing na sabi ni Inday habang papalapit kay Cocoy.

"Huwagggggggggggggg!"

Heto na naman mabubuking na naman ang kanyang little patotoy.

"Maawa kayo virgin pa ako.." malakas na sigaw ni Cocoy na ikinatuwa ng dalawang babae.

"Hihihihihi virgin din ako Cocoy." Si Inday na palapit nang palapit kay Cocoy.

"Huwag kang lalapit, Ayoko.... Ayoko...."

Lalong nagulat si Cocoy nang mabilis na lumapit ang kanyang among mukhang matrona at niyakap siya. Lumapit din si Inday at para siyang isang lollipop na pinag-aagawan ng dalawang bata.

"Cocoy ang bango mo!"

Walang nagawa si Cocoy kundi ang pumikit na lang at kahit kasuka-suka ang pagmumukha ng dalawa at wala na siyang nagawa dahil si patotoy ay nagising.

"Oh! My Gosh! Ano ‘to?" lumaki ang mata ng matandang matrona nang makapa si Patotoy at bigla itong tumingin sa kanyang ibaba.

"Waaaaaaaaaaaaaa!" sabay na natulala ang dalawang babae.

Kinabukasan

"Cocoy, layasssssssssss." Malakas na sigaw ng kanyang amo at si Cocoy ay

‘I'm leaving on the jet plane

Don't go and I will back again"

Pakanta kanta habang palabas ng malaking bahay bitbit ang malaking bayong.

"Saan kaya ako pupunta?"

Naglakad ang ating bida hanggang sa mapagod at maupo sa isang iskinita.

"Bakit kaya ako ganito." Bulong ni Cocoy sa sarili.

Binuksan ni Cocoy ang bayong at kinuha ang itim na aklat at doon muli niyang binasa ang nilalaman nito

"Narinig ko ang sumpang binitiwan ng katipan ni Ruben."

"Ano?" gulat na bigkas ng ating bida.

"Ang magiging anak ni Ruben kay Isa ay magkakaroon ng isang napakaliit na patotoy."

 "Sumpa? Hindeeee!" lalong lumaki ang mata ni Cocoy.

Itutuloy:

Ano ang gagawin ni Cocoy ngayong alam niyang bunga ng sumpa ang kanyang paghihirap? May solusyon pa kaya para maging normal si patotoy? abangan sa Part 2....

Part 2: http://www.filipinowriter.com/ako-si-cocoy-a-virgin-boy-2-2-comedy-fantasy

jonsdmur

Pangalawang nobela sa site na ito...

jonsdmur

Paunawa

Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa

kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay

na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay

na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang

po ng aking malikot na imahinasyon.


AttachmentSize
AKO SI cOCOY PICTURE.jpg57.6 KB
rose's picture

Maganda!

Nakakatuwa naaliw ako kay cocoy? Siguro ang kasunod niyan ngayun natuklasan na niya na isang sumpa pala ang nangyari sa patotoy niya. Baka hanapin niya ang babaeng albularyo na nagbigay sa kanya ng address kung saan ito nakatira. Dahil ang isang mangkukulam este albularyo pala ay pwedeng makatulong sa kanya upang mawala ang sumpa.

Nakakatuwa medyo bitin nga lang..

Innocent 

jonsdmur's picture

Salamat at may readers na

Salamat at may readers na ako.. akala ko flop sa takilya hehehehehe.... nasa part 2 ang lahat lahat nang nagyari.... thnks for reading....

I'm glad at nabasa mo na ang kwento ko...

Be happy always....

Abangan ang susunod na eksena...... malapit na.....

jonsdmur

jonsdmur's picture

Hi rose musta na... mukhang

Hi rose musta na... mukhang busy tayo diyan... sana maka online ka minsan...

dyeppri's picture

Galing naman nito!

Magaling ang pakakagawa mo.... may talent ka pala talaga sa comedy.

Muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko mabuti na lamang napakapit ako.

Nice 1. aabangan ko ang kasunod nitoLaughing

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

eloisa marie hernandez's picture

ayus ah..

nakakabitiiin! Putol ang ending! Effective ka talaga kuya sa comedy. Haha..nakakawala ng stress sa duty. Hindi ko tinigilan ito.

nakakatwa mga bato ng linya, naaliw talaga ako. Kahit may konting stereotype sa story mas maganda pa rin ang kabuuan. Natakluban kumbaga. Pero gusto ko talaga yong mga linya..hehe panalo! lalo na yong sa tatay ni Cocoy. Nakakatawa talaga.

kelan ang susunod?

jonsdmur's picture

Maraming salamat pareng

Maraming salamat pareng dyeppri at miss eloisa... abangan natin ang susunod na kabanata..... malapit na malapit na.......jonsdmur

Amazing!

This is something to be proud of! I like his craft! Sobra! and It's kinda relative eh! & i know someone kasi who had a problem like that also. hahaha im gonna let him know this hahaha he might think that this is his story pero ginawang comedy. hahahaha 

I am eager to know the portion on how cocoy surpassed his ODDS? hehehe  When will be the release date? give me a pm ah.. tnks

 

ciao ciao!Smile

 

Sanjie

jonsdmur's picture

Thanks for reading my Cocoy

Thanks for reading my Cocoy story... waaaaaa may cocoy ka palang kakilala... gards to ur frends.... sa part 2 malalaman ang solusyon.... abangan.....

maraming salamat sa pag basa at komento.....

si jonsdmur ay nag propromote sa kanyang nobelang DOON LANG... a story of dreams and romance....

Ailem23's picture

hahaha...astig!

Ahahaha..ahahaha…ahahaha…gusto kong tumawa. Ang saya ng story. Sabi ko sa ‘yo kuya, patawa ka… hehehe… grabe…ashteeeg! Gusto ko iyong story. Habang binabasa ko siya, ini-imagine ko na isang pelikula ito. Ung tipong lahat ng characters ay puro komedyanteng sikat. Di ba? (salamat sa malikot na imahinasyon…baw!). Kaya naman tawa lang ako nang tawa…klaro kasi ang bawat eksena at masarap basahin. mali naman ung text mo sa akin…sabi mo keep smiling…dapat keep laughing! Ahaha… Good job kuya… hindi ako mag-comment sa technical dahil pinagbawal mo na…ahahaha (magaling lumusot..hmmm, magawa rin kaya ang palusot na iyon..). Tsaka nasabi ko na iyon sa private message ko noon. lam mo na yon.Hintayin ko ang part two nito…

galing talaga... 

Ang saya-saya…

 

Best regards,

melay

jonsdmur's picture

Like na like ko ang komento

Like na like ko ang komento mo... akoy natutuwa... maraming maraming salamat... malapit na malapit na ang part two... kaso masusing pinagaaralan at binubusisi ng MTRCB harharhar....

Abangan,,,,,,, thnks Melay....

si jonsdmur ay nagpropromote ng kanyang nobelang DOON LANG....

this is really funny!

Wow I really enjoyed this story although this is a genre I am not very fond of, but I'm surprised to hear myself laughing so hard that my kids thought I've just gone mad. I think this is your genre Jonsdmur (comedy/novelty), I've read your other novel, Doon Lang and it's good by the way but you are really into this one, this will make your name as a writer! I can't wait til the second part is out... hurry up or we will not give you a moment's peace until it's finally posted!!! Laughing

 

 

ad infinitum/pmherz

jonsdmur's picture

Thank you very much...

Thank you very much... kinilig ang aking puso sa mga nasabi po ninyo.... this week na po lalabas si Cocoy... thnks for reading my stories.... jonsdmur

fhearl08's picture

i just wondering...

I wonder if totoo talaga yung pangyayari... haha! nasa hulihan pala yung totoong paunawa...

Actually, i enjoy reading, nakakatuwa... buti ka pa you have a lot of time in making stories. Ako, haayyy! almost busy at wala ng time kaya yung isang nobela ko ay nabibitin pa at di ko pa matatapos kaya mga sanaysay  and short story muna ako nagfofocus.... 

ANyway, thank you jonsdmur, you really inpired us... maybe in my next log-in na ako magproceed reading sa next chapter...

gudluck & God bless! 

jonsdmur's picture

hihihihihhi, ikaw ha..

hihihihihhi, ikaw ha.. siguro unang inisip mo tru 2 life story ko yan hehehehe......thnks sa pagbasa mo sa aking kwento... actually nag aabang din ako ng ipopost mo dito... tuloy tuloy lang ang pagsusulat... saka huwag mawalan ng pagasa... salamat......jonsdmur

spike_west's picture

Maayos

Maayos ang delivery ng lines, nakakatawa talaga!! Meron pang mga hiniram na linya mula sa site na ito,kaya natawa ako. Para akong nanonood ng comedy ni Dolphy at ni Chikito( hindi yung mani) kumbaga, kahit puro slapsticks at palasak na joke ay epektibo pa rin. May pagkasuspense din lalo nat pagmalalaman na yung sikreto ni cocoy.

Sa kabilang banda, Mabilis ang phasing at malikot ang istorya kaya may konting lito and larger than life factor (meaning may pagkamalayo sa katotohanan). Medyo yung paggamit din ng kamukha (tulad ni Ryan Yllana) mas maganda kung medyo katulad nila ang personality ng karakter, kasi doon sila kukuha ng imaginasyon (yung iba kasi hindi nila kilala si Ryan Yllana). Medyo maliit lamang pointers ito pero the totally is good. 

All in all, magaling ang nobela mo na ito, gumana ang imahinasyon ko at natawa din ako, kaya binabati kita ,wag sanang authobiography mo ito!!Hahahah!! Joke lang!!Intay ko yung next issue.......

Ingat

Spike

jonsdmur's picture

Nice to hear you po....

Nice to hear you po.... natutuwa po ako at nakita ko kayo dito... thanks sa pag basa... malapit na po ung part 2... pantaserye na yata un hehehehe... about po sa ryan yllana sa totoo bigla ko lang naiisip.. wala kasi me gaano kilala na artista... kaya nag ask ako sa ka work ko kung sinong matabang artista.... at sya ang napili ko heheeh... kung may suggestion po kayo un po ilalagay ko...

salamat po sa inyo.. malaking karangalan sa akin ang mabigyan ninyo ng komento... thnks po jonsdmur...

jonsdmur's picture

Si jonsdmur ay lubos na

Si jonsdmur ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik ng Part one ng Cocoy... marami pong salamat

Si jonsdmur ay nag propromote ng Cocoy part two... para na ninyong awa basahin na ninyo...Cool

orthochild's picture

Nakakasabik

Nakakasabik ang mga pangyayari sa istorya mo...

lalo na kung kelan, paano at kung makakabalik ba sa tunay na sukat si pototoy.....

jonsdmur's picture

Salamat sa iyong pagbasa....

Salamat sa iyong pagbasa.... na post ko na si Cocoy part 2... kaso inaayos ko pa.... may mga dapat pang baguhin... salamat sa komento.....

si jonsdmur ay nagpropromote ng nobelang DOON LANG at Cocoy part 2....

jonsdmur's picture

Salamat sa tumangkilik ng

Salamat sa tumangkilik ng Ako si Cocoy part one.... Sa inyong lahat maraming salamat....thnks

Si jonsdmur ay nag propromote sa kanyang parating na La-Traidora

jonsdmur's picture

hatid ko ay saya at aliw...

hatid ko ay saya at aliw... It's an art.... sa laht ng nagbasa maraming salamat... 

Don't judged the writer by it's novel: likha lamang ito ng malikot kong imahinasyon.... salamat sa pagbabasa

Abangan si cocoy sa new new world 

Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...

Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story

Hatid ko ay aliw sa inyong laha

Kaninang umaga habang read

Kaninang umaga habang read ko ang stories na ito ay hindi ko mapigilan ang matawa. It's a unique stories at ibang style ang pagkakasulat. Ang mga dialogues ay magaganda at nakakatawa ang mga eksena.

Funny! Funny! Funny!Laughing

Comedy ang dating sa akin ni Cocoy hahahahahahah

Natatawa pa rin ako at tatlong beses ko itong inulit kakaiba kasi at hindi common stories. Iba talaga ang stories.... kasaysayan na di makakalimutan hahaahahahah

pwede na itong pelikula grabe konrting ayos na lang lalo pa itong gaganda.

jonsdmur's picture

maraming salmat sayo

maraming salmat sayo agatha... at natutuwa ako dahil nagustuhan mo ang stories ko.. aayusin ko pa ito kasi may ilang mali sa teknikal saka ang part two aayusin ko pang uli.

masaya ako at naibigan mo ito.. salamat sa iyong komento...

Jonsdmur

frend!!!!

"I mean, c'mon! Shouldn't you be thankful you learned something? Hihihihihihihihi!"

 

i've learned something today.. tawa ako ng tawa.... hehehe enjoy ko toh!!!!

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

jonsdmur's picture

Salamat sa pagbasa at sa

Salamat sa pagbasa at sa komento... Happy me at nabasa mo ang nobelang ito...

have a great day!

Jonsdmur