Ako: Baklang Adik

Luca's picture

Mag-aapat na taon na akong opisyal na bakla.

I know, I know, marami sa inyong magsasabi na ang pagkabakla (o pagkatomboy) ay inborn. Pero isa kasi ako sa mga taong naniniwalang ang sekswalidad ay isang desisyon. (Hinahamon kitang palawakin ang iyong pag-iisip at patunayang matalino ka.) Sinasabi ko sa iyo sa simula pa lang ng diskursong ito, na maraming mga bagay akong sasabihin na hindi mo sasang-ayunan. Okay lang yon. Tao lang tayong dalawa.

Sinabi ko sa sarili kong magiging bakla ako kasi inisip kong bakla naman ako by default. Actually, sabi ni Karl Jung (isang tanyag na matalinong tao) na ang lahat daw ng tao ay may equal tendency na maging binabae o "linalaki". Sabi niya, lahat daw ng tao bisexual. Ngayon, pagtinanong mo yung mga hard core na bakla, sasabihin nilang mito daw ang bisexuality.

Kaiba sa maraming baklang kilala ko, hindi ko nararamdaman na may intense need na iparamdam ko sa lahat ng taong bakla ako. (Actually, convenient ito para sa akin, kasi pag may isang taong nakakita sa akin, alam na kaagad na bakla ako, so di na ko masyadong umaarte kasi redundant) Unless clueless sila... or in denial. Kaiba rin sa nakagawiang konsepto ng kabaklaan, hindi ako naghahabol sa mga taong hindi naman bakla. At wala rin akong nararamdamang pagka-umay sa imahe ng mga hubad na babae o sa kababaihan in general.

Sa totoo lang, isa sa mga naiisip kong dahilan kung bakit ako nagdesisyong maging bakla ay dahil asiwa ako sa mga lalaki. Pinanganak akong pangalawa at nag-iisang lalaki sa tatlong magkakapatid. Yung bunso kong kapatid ay siga. Yung ate ko, praning.  Ang tatay ko macho. Ang nanay ko, babaeng bakla. Siguro given na na hindi kami masyadong close ni pappi. Actually, meron kaming eksena dati na sasapakin niya ko sa mukha habang kinoconfirm niya kung bakla ako. Sa totoo lang, nung eksaktong point na yun, ayaw ko pang maging bakla. May nililigawan nga ako nun e. Sabi ko hindi ako bakla. At in fairness to me, ayaw ko talagang maging bakla nung panahon na yon. Yun yung panahong "Jesus, Jesus" pa ako. At takot pa ko sa hell. Pero alam kong ayaw ko talagang maging macho nun.

Matagal kong nirattle yung isip ko kung magpapakabakla na ba ako ng tuluyan o pangangatawanan ko na lang ang pagiging malamyang straight. Tatlong beses akong nahulog at nagmahal ng babae. Pero siga ang hanap nila at hindi ako yun.

Isang araw, matapos akong bastedin nung huli kong niligawan, sinabi ko sa nanay ko "Mother, I'm considering getting a boyfriend." Sabi niya, "I kind of saw that coming." (Way to support, Ma!)

Matapos ang walong buwan, nagkaroon ako ng unang kasintahan. Bakla siya, yung malamya. Nung unang araw kaming nagkita, natulog kaming magkatabi (walang nangyari). Tinanong ko siya, "mahal mo ba ako?" Sumagot siya ng oo. Sabi ko, "tayo na." At nagmahalan kami ng dalawang linggo, tapos naglaho akong parang bula.

Sunud-sunod ang mga naging syota kong bakla. Iba-ibang itsura, iba-ibang antas ng pagkabakla. Merong nakikipag-kainan ng mukha sa mall. Merong ayaw madikitan in public. Merong nagpakilala sakin sa buong angkan nila. Meron naman sinisikreto ako. Pero siguro sa pitong naging karelasyon ko, 3 lang ang nakaexperience ng monthsary.

Akala ko magiging masaya ako pag naging bakla. Kaya nga "Gay" ang tawag dun, kasi "happy."

Hindi siya ganun kasaya.

Kasama ng pag-out ang lahat ng stereotype ng isang bakla. Mga stereotype na hindi naman ako sobrang makarelate. Pag kinukwento ka ng ibang tao, laging sasabihin, "yung bakla." Hindi naman ako nao-offend sa ganun pero ang pagiging bakla ko ay hindi naman ang simula at katapusan ng aking pagkatao.

Nakikipagsapakan din ako, basta bawal patama sa mukha. May mga araw din na nagpapakadugyot ako pero isang oras ako maligo at marami akong seremonya sa katawan. May mga oras na paekis ako kung maglakad minsan naman may siwang sa hita (parang si Robin Padilla). At kahit na bakla ako, hindi ako laging pagirl (lalo pag lasing), wala akong interes sa mga beauty pageant. Ayokong magsuot ng dress at bra na may medyas, pero nagpapanty ako minsan (masarap kasi yung feeling) Hindi ko trip mag-high heels. At hindi ko type si Regine Velasquez. At hindi lumuluwa ang mata ko sa prospect ng nota. Mahilig ako sa mga maingay na tugtog, pero para akong negra sumayaw. Mahilig ako manood ng rugby, football, mixed martial arts, diving, gymnastics at figure skating.

Minsan nakakalungkot na kung sino pa yung bakla, sila pa yung hindi maka-intindi. Secretly, nararamdaman ko na may mga bakla na hindi naman talaga bakla. Parang trip lang nila, para cool. Tuloy yung mga paniniwala nila tungkol sa pagiging bakla ay limitado lang ng mga sinasabi ng ibang tao.

Nakaka-sad. Nakaka-irk. Mabigat sa lungs.

Sana may isang araw na hindi ko na kailangan isulat sa title ng Blog ko ang salitang bakla. Sana maging non-issue na siya. Sana pag may mga taong magkukuwento tungkol sa akin (kung papalarin man akong sumikat, o maging rape victim at gawan ng pelikula ni Carlo Caparas), ay hindi maging sentro ng istorya ang ilang beses kong pagkiyeme ng putotoy.

 


aireen's picture

Nice post Luca! Natutuwa ako

Nice post Luca!Smile

Natutuwa ako sa pagiging totoo mo..

cheers!

 

wag kang pipikit Wink

"wag mong hayaang isara ang iyong isip!" ;)

Luca's picture

natutuwa din ako...

Maraming salamat sa pagbasa aireen.

Bagay ang avatar mo sa post ko. hehe ;)

wag kang pipikit...

Pinahanga mo ko bro

Pinahanga mo ko bro

Luca's picture

salamat!

waw, nakakatouch naman ang paghanga.

Di ba ang crush ay paghanga? Crush mo ko no?

Jokeleng. :) salamat sa pagbasa "BRO" 

wag kang pipikit...

Rom's picture

@Luca

gusto ko ito, sweet na may angst, totoong fiction although insecure, sigurado ka naman sa sexuality mo.

napa log in tuloy ako hehe 

keep posting good stuff such as this... 

 

 

logo button 1

Luca's picture

@ rom

ay waaaaaww!!! kinikilig ako na hindi ko maintinday (so bading!) Di ba si rom ay isang alamat dito?

nakakatuwa naman. :) Maraming salamat at nagustuhan mo. :)

wag kang pipikit...

Rom's picture

.

 

 buhay pa ako e ang alam ko sa mga alamat patay na tulad ni Rustom Padilla

 

logo button 1

Luca's picture

!

Pwede namang maging "Legen-- wait for it... dary" (Barney Stinson, HIMYM)

I am still in awe. (stalker mode: activate)

Rustom is DEAD 

wag kang pipikit...

ako mula't mula naniniwala

ako mula't mula naniniwala na there's a "kabaklaan" in all of us.. you dont necessarily have to be malandi o pa-girl or somethin. u just have to be you.

and im happy to say na im one.walang fear, kasi walang dapat maging fear.. kasi ang pinag-uusapan naman sa kahuli-hulihan ay ang pagiging tao, anung klaseng katauhan man yan.

sensya na babasahin ko sya later.. harhar, pagbukas ko gusto agad mag-comment. cant read further andami kong problema pero nakukuha ko pa din umeksena. bwahahah..

pero may ibang ibig sabihin din yung salitang "bakla", pwede syang other word for "uncertain" o "mahina" o "duwag"...

ako, masayang nilalang lang sa earth, at free na mag-isip, maghanap ng sarili, maglakbay (drama), basta live your life!

kung ano naman kasi yung ginawa mo sa sarili mo, yun ang magiging ka.

kung anong paniniwala mo, dun ka. 

there's nothing to fear about, tao ka, at hindi ka perpekto :)

ingat

 

Luca's picture

SIS! (Ang bakla lang)

maraming salamat at nakapagkumento ko pa kahit marami kang problema, lagi mo lang isipin na marami ring solusyon ang mga yan.

kwentuhan mo ko pagnabasa mo na ng buo.

salamat sa insight. masarap malaman na hindi pala masyadong alien yung konsepto ko ng buhay.

ingat din! 

wag kang pipikit...

Lyds78's picture

no labels

sa tingin ko, hindi naman necessary na i-label ang ating mga sarili kung ano tayo, pagpaloob kasi iyun sa mga conventions at stereotypes ng lipunan.

usapin lang naman iyan ng respeto, irespeto natin ang pagkatao ng iba kung paanong gusto rin nating irespeto nila ang pagkatao natin.

tingin ko, ang sexuality ay isang choice.

dati rin akong nagdeklarang lesbiyana pero natagpuan kong kaya ko rin palang maging maligaya at kuntento sa mga lalaki bilang significant other.  Pero pag nakakarinig ako ng comments na phase lang ang homosexuality, nagpapanting din ang tenga ko.  Unique kasi ang experience sa bawat tao, di ba?

kung saan ka masaya at kuntento, go for it basta wala kang natatapakang damdamin at karapatan ng iba, di ba?

napadaan lang...

Luca's picture

:) Lyds

Gayong sumasang-ayon ako na hindi nga necessary na i-label natin ang ating mga sarili, naniniwala akong dapat din tayong maging praktikal (parang beauty queen lang). Hindi ka pwedeng maghangad ng snow sa isang tropical country. Kahit anong gawin natin, ang lipunan ay mas magiging maayos kung magiipon siya ng kahon.

Siguro ang pinakamagandang compromise diyan ay hindi naman tayo required na maniwala sa sinasabi ng lipunan. Kaya nga nasulat ko itong akdang ito para ipakita yon.

Sa totoo lang mahabang diskurso ito, at naiiimagine kong masarap itong gawin habang umiinom. Hehehehe...

Pero habang hindi pa iyon nangyayari, virtual kampaii muna. :) 

wag kang pipikit...

jonsdmur's picture

bilib ako sayo

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

saka welcome dito sa FW....

Ingat!

jons

Luca's picture

:)

salamat jons!

nabasa ko yung kwento mong tungkol sa bading pero di ko pa natatapos. (natu-turn on pa kasi ako pag binabasa ko siya, nakakadistract. hehehe)

Maraming salamat. Kisht kisht 

wag kang pipikit...

jonsdmur's picture

sana matapos mo....

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

talagang pinaganda ko un heheheh... plano ko pa nga gumawa ng ganung kwento ulit eh....

Ingat!

jons

Luca's picture

natapos ko na

natapos ko na kanina... nakakatuwa pala... pero nalungkot ako, kasi hindi naman yun nangyayari sa totoong buhay... hay fiction, I hate you 

wag kang pipikit...

Ailem23's picture

ayos 'to ah!

Hello Luca... alam mo bang kasalukuyan akong nagtatago nitong mga nakaraang araw dahil may pinagkakaabalahan ako. wala sana akong balak magparamdam ulit sa site pero nang mabasa ko ang post mo... eh eto na kafatid... napa-comment na ako. 

Bilib ako sa 'yo. may mga kazisterette din ako na vading at gusto ko talaga silang kasama. Nakita ko kasi na minsan, mas gentleman pa ang bakla kesa sa ibang lalaki diyan sa tabi-tabi.

At dahil totoo ka sa sarili mo, sa isip, sa salita at sa gawa.... saludo ako sau. Mavuhey ka kafatid!

Ingatski,

Melay

 

***** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

Luca's picture

Melay!

Natutuwa ako at nagustuhan mo. Maraming salamat sa pagbasa at sa paglutang mula sa pagtatago. :)

Marami talagang nakakatuwang bakla, para kang may diary at clown at punching bag at default boyfriend at kung anu-ano pa rolled in one!

Keep fagging! :)

wag kang pipikit...

cmvillanuevajr's picture

Choice

napakasarap pakinggan -- dahil siguro ngayon ko lang ito narinig nang may kasamang pagpapatoo -- na choice mo ito: ako man.

 

Ngayon ko lang ito isusulat, may choice din akong ginawa nung maliit pa ako.

 

Pero hindi ko piniling maging bakla -- sabi ko lang noon, di ko ata trip maging lalaki (as in yung hulmahan ng lipunan na dapat tayong magfit) at di rin ata awtomatikong trip ko na maging babae (as in yung hulmahan ng lipunan kung ano ang babae) -- dahil hindi naman ibig ang hindi pagiging lalaki o babae ay pagiging bakla na.

 

At kung ang pagkabakla ay di pagkatiyak, pagdadalawang-isip, o panghihina, hindi ito ang hulmahan na kinabagsakan ko noon -- dahil tiyak na ako noon pa man. Pero di ko pa alam ang pangalan ng "hulmahan" o "imahen" na siyang kalalagpakan ko o siyang ipapataw, ipapangalan, o pagpapasukan sa akin ng lipunan.

 

Kung pagka-"bakla" man ito -- di ko man pangalanan -- magkakapangalan din ayon sa iba. Sa kanila iyon.  Iyon ang pangalan ko sa kanila -- ang ikaw sa iba.

 

Pero anu't anuman, kung ano tayo sa ating sarili ang Tayo.

 

(Teka, bakit may Adik pa sa huli? hehe)

Luca's picture

Junjun (sana ito ang nickname mo)

May isang bagay na nakakaempower kapag gumagawa ka ng choice.

Kasi pagsinabi mong dinisisyunan mo na gawin ang isang bagay, ibig sabihin you played an active role in that happening and you hold yourself accountable for its consequence, regardless kung maganda ba ito o mahirap.

Kaya pinili ko ang buhay na ito. Pinipili ko araw-araw na mabuhay sa paraang gusto ko. Para happy.

Salamat sa pagbasa. Make good choices.

 

Labs, Luca

wag kang pipikit...

paul h roquia's picture

kinabog ang bakla.

 

luca, lucaluca ka.  hindi ka bakla.

mula sa isang bsb (bakla since birth) , matapos kong basahin ang iyong pyesa,  napagkasunduan namin ng self ko na husgahan ka habang maaga... at ang inampalan? HINDI KA BAKLA.  I suggest na muli mong ireconsider ang options mo, hindi ako psychologist pero sa pagrarubberband ng thoughts mo, masasabi ko na mas magiging kaigaigaya ang buhay mo at lalo kang magiging successful (hindi suck-sesfull) sa iyong professional life kung igiya mo ang iyong thoughts towards the masculine side of your true self.  

although nag-enjoy ako sa pagbabasa , napaka-unidimensional ang naging dating sa akin kasi nga HINDI KA BAKLA...  hindi sa dahil diniscourage kita at tatlo-bente-singko ang bakla sa palengke pero dahil yon ang aking naramdaman.  psychic ako eh.  

be a man BRO!

Kiss

 

 

Luca's picture

BSB (patok)

Paul, maraming salamat sa pagbigay mo ng kuro-kuro.

Gayong naiintindihan ko na maaaring hindi nga ako ang tipong bakla na alam ng nakararami (including ikaw at ang iyong self), hindi ko makita ang sarili kong iginigiya lang ang aking pag-iisip sa masculinity. Kasi, parang nililimitahan ko yung sarili ko bilang isang tao kung ididismiss ko ang isang bahagi ng pagkatao para magfit sa isang mas convenient na type. (although inaamin ko na ang pagtawag ko sa sarili kong bakla ay isang convenience din-- mas madali kasing iexplain sa lay person ang konseptong vague pag ginamitan mo siya ng label na mukhang familiar pero vague din. Hindi ko layuning buksan ang lightbulb sa utak nila. I'm not a soldier of progressive change, sorry. Tao lang ako. At may pagka-apatetiko)

Pero meron kang point, I should be a man. And by being exactly myself, I think I am able to achieve that most successfully.

wag kang pipikit...

RJ Santos's picture

^^Hahaha! Hi Paul!

^^Hahaha! Hi Paul! :D

 ------- 

Hi Luca! :)

Sa totoo lang ngayon lang ako nakarinig/nakabasa ng tungkol sa taong piniling maging bakla. :) Ako, bata pa lang ako alam ko na.  Kasi, hindi naman ako nagkakagusto sa babae, sa lalaki ako nagkakagusto. Isa rin ako sa mga baklang "masculine" kaya ayokong natatawag na bakla, kaya lang wala naman ako magagawa, eh sa ganun talaga. Pakiramdam ko kasi nadedegrade ako pag natatawag ako nun.

Kung makapipili ako, maspipiliin ko sana kung straight na lang ako, pero dahil sa hindi,  okay lang. Ginagawa ko na lang ang lahat ng magagawa ko "to be a better person".

* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Luca's picture

awww...

RJ gusto mo ng hug?

sa palagay ko hindi lang naman "straight or gay" ang options natin. inimbento lang ng history ang imaginary dichotomy na yan. mas appropriate ang choice na "straight or others" at feeling ko, lahat naman ng tao ay "others" sa wala talagang choice. bottom line: quever.

tama ka, na ang mas magandang piliin na mas maging mabuting tao na lang tayo.

at kung tayo ay magmamahal, mas magandang mahalin natin ang kaluluwa ng ating katipan at hindi kung anong choice ang pinili niya. (huh? non sequitur)

salamat sa pagcomment..

 

x

wag kang pipikit...

noelablon's picture

Nakaka-luca ito!

Bago ang lahat nais kong batiin ka ng "well done!" at "napaka-galing! at napakaganda!" ng iyong akda. Isang simple at maikling artikulo ng paglalarawan ng iyong sarili at ng iyong kinakaharap.

Nais ko rin ipaalam sayo na hindi ako galit sa mga bakla, in truth I found them brave pa nga eh. They knew what's ahead of them pag na-label silang "bakla" or "bading", kutya at pagkadiri sa mata ng nakararami pero pinili nila ang buhay na iyon.

I am a born-again Christian and we believe that there are only two sexes na ginawa ang Panginoon at yun ay babae at lalake. Kahit i-set aside ko ang pagiging kristiyano para bigyang-daan ang katwurin na maaring ikatlong kasarian ang bakla ay hindi ko ito maiisip. Maging sa bibliya ay nabanggit na ang bakla noon sa Sodom at Gomora ang siyudad na ginunaw ng Diyos.

Sa aking pananaw ang bakla ay isang state of mind (wala po sanang magalit pagkat ito po ay pananaw ko lang po). Ang sekswalidad para sa akin ay hindi isang desisyon pagkat kung ikaw ay ipinanganak na lalaki o babae ay yun ka na. Environment aspect ang nakaka-impluwensya madalas sa isipan ng isang tao.

Sa aking nabasa, aking napagtanto na ikaw ay naguguluhan pa at nais mong hanapin ang iyong sarili. Kung mananalo sa iyong isipan na ikaw ay lalaki ay magiging lalaki ka at kung bakla ay magiging bakla ka. At hangga’t sumasaksak sa isipan mo na hindi ka lalaki at ikaw ay bakla ay patuloy kang mahihirapan, patuloy kang magdaramdam.

Hindi ko sinasabing magpakalalaki ka, hindi ko rin sinasabing magpaka-bakla ka. Humarap ka sa salamin ng nakahudad at sabihin mo kung babae ba o lalaki ang kaharap mo, at tanggapin mo kung ano ang iyong nakikita. Mahirap talaga ang pinagdadaanan mo, it is a battle within yourself pagkat sa ganyang estado ay di mo pwedeng sabihin sa sarili mong magpaka-totoo ka – dahil di mo nalalaman ang katotohan sa mga oras na ito. Madaling maging lalaki pero mahirap magpaka-lalaki.

Maraming salamat at tunay na nakaka-libang ang iyong akda. Inggit tuloy ako sa iyong nagawa at na-inspire ako.

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

RJ Santos's picture

May malaking pagkakaiba

May malaking pagkakaiba naman yung gender and sexuality. :) Kaya nga natawag na "bakla" kasi LALAKI ka, pero LALAKI rin ang nakaka-turn on sayo. Doesn't mean na babae ka sa loob. Doesn't mean na hindi ka na lalaki. 

* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Luca's picture

go RJ!  wag kang

go RJ! 

wag kang pipikit...

noelablon's picture

Sungit mo Tita

haha! Taray pala nitong si RJ. Sorry for mis-understanding. I stand corrected. Pero yun pa rin ang pinaninindigan ko, lalaki at babae at wala ng kategorya pa sa baba nito - pagkat di ako naniniwala sa sekswalidad.

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

RJ Santos's picture

Hindi po ako tita. :) Sino

Hindi po ako tita. :)

Sino ba nagsabing meron pang iba "category" other than male and female? Unless you haven't heard of hermaphrodites, the real third sex. :)

* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Luca's picture

waaaahhh

bati na kayo please. hehehe... 

wag kang pipikit...

RJ Santos's picture

Nyek... di naman kami

Nyek... di naman kami magka-away eh.

* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Luca's picture

KaLuca

salamat noel sa kumento mong siksik at liglig. I love it.

born again din ako dati, pero na-excommunicate ako, hihi... pero okay lang yan, tanggap ko ang iyong mga opinyon kasi alam kong malalim ang pinaghuhugutan niyan (since creation) ika nga, walang "judge-an".

gusto ko lang linawin na hindi po ako nalilito. alam ko kung ano ako at kung anong gusto ko sa buhay. mahirap lang talaga siyang labelan.

in a nutshell, kahit na mukhang masukal at mapanganib at magulo ang gubat ng isip ko, isa lang naman talaga ang gusto ko,

ang magkaroon ng ka-holding hands. hehe.

wag kang pipikit...

galatea hopkirk's picture

hello...

hi Luca.

ako'y isa ring babaeng bakla katulad ng nanay mo, at isa rin akong psychology student. kaya kung may mga taong lubos na makaiintindi sa iyo at sa iba pang katulad mo, marahil isa ako doon.

nais ko lamang mag-komento. bagama't sumasang-ayon ako sa halos lahat ng nasabi mo sa iyong blog.

1. hindi talaga namamana ang homosexuality. sa aming pamilya namin, ako lang yata ang naninwala doon. tuwing may bakla, isisisi nila iyon sa pinakamatandang bakla sa lahi namin at iginigiit na namana iyon sa tiyo ng lolo ng pinsan ng kabarkada ng lola niya.

2. kapag pinipigilan ang isang bagay, kadalasan lalong lumalala. sa pagpipigil na maging bading, lalong nagiging ganoon nga sa huli. hindi ito totoo sa lahat pero may mga karanasang nakapagpatunay dito.

3. sa teoryang classical conditioning ni Ivan Pavlov, sinasabi na tuwing naikukundisyon ang utak at katawan sa mga external stimulus ay nasasanay siya rito hanggang sa maging parte ng buhay niya ito. kung laging sasabihan ang isang bata ng "bakla, bakla" paglaki niya, malaki ang posibilidad na maging bakla nga siya.

 

kinukutya man ang ibang bakla sa lipunan, hindi ako sang-ayon dito. bagama'y hindi ako sang-ayon sa "homosexuality" o "bisexuality" na tinatawag, hindi rin naman tama na manghusga.

kapatid, isa sa mga pinakamabuti kong taong nakilala ay isang bakla.

mabuhay ka kaibigan. =)

**pasensya, napahaba yata ang komento ko.

 

"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."

galatea artemis

Luca's picture

hi...

hello galatea, (ang romantic ng pangalan mo)

maraming salamat sa kumento. wag ka mag-alala kung mahabe, mahilig akong magbasa, lalo kung may sense. 

at dahil psych ka rin (na nakakatuwa) sasabihin ko lang na hindi ko masyadong type si Pavlov, kahit na napapakinabangan ko ang principles of reinforcement sa aking daily life.

palagay ko mas gusto ko si BF Skinner sa usaping ito, kasi pineprescribe niya na ultimately meron pa rin tayong control sa kung anong kahihinatnan ng buhay natin.

ayokong sisihin ang mundo o ang gene pool ko kung bakit ako naging ganito, ako lang.

para kung maging okay pala ko sa ending, pwede kong angkinin yung credit. :) 

wag kang pipikit...

LET's VOLT IN! tentenen

LET's VOLT IN!

tentenen tenen ten ten!!!!--stupid..

ako din psych.. harhar. pero ako yung estudyanteng pagnakiki-pag argue akala ng mga kaklase ko nagstand up comedy lamang. bwaha.

have a nice day! :)

 

Luca's picture

go Psych!!! :) 5 years ako

go Psych!!! :)

5 years ako nagaral niyan... wala naman siyang mashadong nacontribute... sumakit lang ulo ko at bumigat lang ang loob ko...

nagPsych ako para maintindihan ang sarili ko, dumami lang ang mga tanong.

Ngayon, taong grasa nako. okay naman, chillax 

wag kang pipikit...

noelablon's picture

dont' tell me....

Don't tell me ikaw yung na-interview ni Kuya Rom harhar! Just kidding. Kinulit din ako ng kaklase ko dating mag-shift kami ng Psych, sabi ko baka masira lalo ulo ko - may sira na nga eh harhar! At ayoko ng mga trabahong naka-linya pag graduate - Guidance Councilor or nagta-trabaho sa mental institutes, sa HR at kung ano-ano pa, boring!

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

galatea hopkirk's picture

hi guys.

wow. go psych.

Luca

buti naman at mahilig ka magbasa ng mga mahahabang komento katulad nito. hehe. ako din, mas trip ko c kesa kay Pavlov. bukod sa mas gusto ko nga yung mga teorya niya, feeling ko mas hot siya. talagang nakakasakit ng ulo ang maging psych. pero masaya naman at rewarding. para sakin ha, pero ngayon iniisip ko na ring maging taong grasa. haha! mabuhay ka.

**salamat nga pala. kung gaano ka-romantic ang pangalan ko, ganiyan ako ka-harsh. hehe.

 

kuya Eksena

psych ka din pala? yehey. parang ang dami natin dito na psych. hehe. rock on. puro arguments naman kc talaga sa kurso natin kaya magnda na minsan eh lagyan ng konting touch of lightness para icebreaker kumbaga. yung kc iba kong kaklase, nagkakapersonalan sa mga discussions.

 

kuya Noel

hello po. nakakawala naman talga ng bait ang maging psych student. pero so far so good naman. ewna ko lang din kc second year student pa lang ako this coming sem. medyo boring para sa iba yung mga ganong trabaho. kanya-kanyang trip lang yan. hehe.

 

"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."

galatea artemis

Luca's picture

ay wow, feisty!  taong

ay wow, feisty!

 taong grasa lang ako figuratively pero sa totoong buhay HR super ako sa isang call center.

 okay fine, nararamdaman ko na ang pagunat ng mga pana (o please don't. ito'y trabaho lang)

natutunan ko na kung gusto mo talagang karirin ang psych kailangan hindi mahalaga sa yo ang financial success. para siyang pagtiteacher. pero sobra siyang masaya.

sa mga psych dito, enjoy enjoy kayo. it gets better. 

wag kang pipikit...

galatea hopkirk's picture

haha. nakakatawa ka friend.

haha. nakakatawa ka friend. ganda na pala ng trabaho mo eh, aliw ka. hehe.

ako din naman, figurative lang din yung sinabi kong yellow ang kulay ng grasa dapat kung ako ay magiging taong grasa. at sana hindi namawala ang kulay na iyon sa akin. para naman makatuluyan ko na siya. haay.

tama na. nagiging korny na. ganun nga ang gusto ko. something na rewarding talaga sa pagkatao. kaya baka ang ending, maging madre ako. hehe.

 

"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."

galatea artemis

Luca's picture

waw, sister!

kahit na masaya ako sa aking piniling propesyon, may isa pa akong pangarap na gustong matupad... simple lang din.

Gusto ko maging housewife. 

wag kang pipikit...

galatea hopkirk's picture

aww. pinangarap ko din yan

aww. pinangarap ko din yan dati. pero mukhang hindi na puwede. dahil nagpa-sex change na ako. jokeness. haha.

ano kayang pakiramdam ng maging housewife? hehe. =)

-Galatea Artemis

 

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

Luca's picture

 ewan pero mas masarap

 ewan pero mas masarap yatang maging first lady... heheh

 

wag kang pipikit...

galatea hopkirk's picture

tingin ko nga mas bongga

tingin ko nga mas bongga yun. pero ayoko rin. walang privacy at laging busy. gusto ko lang ng normal na buhay kasam ang taong mahal ko, kung magkakaron. di ba mas sweet. hehe. =)

-Galatea Artemis

 

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

Rom's picture

...

 

para sa mga psych na gustong maging taong grasa panoorin nyo itong interbyu ko sa isa sa mga propesor nyo: http://www.blah-blahblogs.com/2008/11/ang-taong-grasa-ng-lopez-avenue.html

 

logo button 1

galatea hopkirk's picture

kuya Rom naman. ayoko maging

kuya Rom naman. ayoko maging taong grasa. pero ok lang din naman. sana yellow na lang ang grasa. para pareho na kami ng kulay ng balat ng taong napakahalaga sa akin. yan. naging korny tuloy. hehe

 

"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."

galatea artemis

it's actually 'counselor'

ako, personal, hindi ako after sa magiging trabaho na may kaugnayan sa psych after kong lumabas ng school. kasi una, hindi naman yun ang pinunta ko don, gusto kong matuto. nung iniinterview nga ako bakit daw magsi-shift ako sa psych, sabi ko kasi kelangan ko sa pagsusulat... ganon ako kabruha.. kasi sabi ko napakahalaga sakin ng pagsususlat, and i know na mas marami akong matutunan dito na magagamit ko sa pagsusulat... ayon, isang buong taon na kong walang nasusulat na matino. harhar...

mas marami pa nga akong nasusulat before e nung di pa ko psychology student...

basta ko kahit maging taong grasa ko, hindi pa rin mawawala yung poise ko. charing1

 

 

galatea hopkirk's picture

kumusta ka naman eksena. ok

kumusta ka naman eksena. ok ang reason mo ah. hehe. yaan mo na. sa bandang huli, mas nagiging bongga ang mga totoo sa sarili.

bsta ako, paninindigan ko na ang gusto kong kulay ng grasa kung magiging taong grasa ako ay color yellow lamang. hehe.

 

"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."

galatea artemis

I agree...

I agree with what you've said. Ang pagiging bakla o les ay isang desisyon, pero in some waysSS. Kahit na mag pakalalaki ka, di mo parin maitatago mismo sa sarili mo na attracted ka parin sa kapwa lalaki mo.

Ang real descision making and everything rito ay kung: "mag papakatotoo ba ako, at hindi magpapakalalaki ba ako?"

Di ba nga bawal mag sinunungaling, di ba parang kasalanan rin na sabihin mo at ipamukha mo sa ibang lalaki ka pero ang totoo ay hindi parin pala.

Mas maganda ngang mag pakatotoo ka.

About dun sa panghuling echuZZ mo sa blog mo na wish mong sana, kapag sa susunod na mag po-post ka ng blog o kahit na ano ay di mo na kailangang isama pa sa title ang salitang "bakla", medyo gets ko 'yong gusto mong mangyari.

You want people to treat uR works as gawa ng isang tao at hindi ng isang bakla ( I don't know, if I'm rigt)

Isang thumbs up, para sa'yo kaibigan.Smile Para sa pagpapakatotoo mo sa 'yong sarili.

Luca's picture

salamat pinxu...

at sana hindi lang works, pati decisions in life in general.

hay mahal ko kayong lahat...

umuulan, basa ang maong ko, at ang hoodie ko ay amoy kabinet... 

wag kang pipikit...